What we learn from COCC!




Paminsan minsan,nakakakuha tayo ng liham na nakapagpapaalala sa atin sa kahapong nagdaan...

TANDANG TANDA NAMIN NI CLASSMATE ANG SAYA AT LUMBAY SA PODER NILA SIR AT MAM...LALO NA ANG MGA MAGAGANDANG LESSONS NA NATUTUNAN NAMIN SA KANILA!

1. Si MAM, tinuruan niya ako ng HOW TO APPRECIATE A JOB WELL DONE.
"Kung kayo walang gagawin, doon kayo sa labas. Mga (%$%# kayo, kalilinis ko lang ng HQ"

2. Natuto ako ng RELIGION kay SIR.
"Kapag yan di mo nagawa, magdasal ka na!"

3. Si SIR, tinuruan niya kami ni Classmate kung anong ibig sabihin ng TIME TRAVEL.
"Kung di kayo tumigil ng kakatawa diyan, tatadyakan ko kayo ng todo hanggang umabot kayo sa isang linggo!"

4. Kay SIR ako natuto ng LOGIC.
"Kaya ganyan, dahil sinabi ko."

5. Kay MAM din ako natuto ng MORE LOGIC.
"Kapag ikaw ay nalaglag diyan sa obstacle, ako lang mag-isa nalang ako uuwi!."

6. Kay SIR naman natuto ng FORESIGHT si Classmate.
"Siguraduhin mo na lagi kang mag dadasal, para pag me nangyari sayo sa langit ka pupulutin!"

7. Si MAM naman ang nagturo sa akin kung ano ang ibig sahibin ng IRONY.
"Sige ngumalngal ka, kung di bibigyan talaga kita ng iiyakan mo!"

8 .Si MAM ang nagpaliwanag sa akin kung ano ang CONTORTIONISM.
"Tignan mo nga yan dumi sa likod ng leeg mo, tignan mo?!?"

9. Si SIR ang nagpaliwanag sa akin kung anong ibig sabihin ng STAMINA.
"Wag kang tatayo diyan hangga't di mo natatapos yang exercise mo!"

10. At si SIR ang nagturo sa amin kung anong ibig sabihin ng WEATHER.
"Alangya, ano ba itong HQ nyo, parang dinaanan ng bagyo!"

11. CIRCLE OF LIFE, ang paliwanag sa akin ni MAM ay ganito:
"Malandi kang bata ka,ako nagturo sayo sa mundo ng CAT at COCC, maari rin kitang alisin sa mundong ito."

12. Kay SIR ako natuto kung ano ang BEHAVIOR MODIFICATION.
"Tatadyakan kita diyan, huwag ka ngang maguumarte diyan ng parang MAM mo!"

13. Si MAM naman ang nagpaliwanag sa amin kung anong ibig sabihin ng ENVY.
"Maraming mga batang ulila sa magulang, di ba kayo nagpapasalamat at mayroon kayong magulang na tulad namin?."

14. Si SIR naman ang nagturo sa akin ng ANTICIPATION.
"^(^@$&$! kang bata ka, hintayin mong makarating tayo sa HQ...."!

15. At si SIR pa rin ang nagturo kay Classmate kung ano ibig sabihin ng RECEIVING.
"Uupakan kita pagdating natin sa HQ....!"

16. Si MAM naman ang nagturo sa aking kung ano ang HUMOR.
"Kapag naputol yang mga paa mo ng pinaglalaruan mong obstacle, wag na wag kang tatakbo sa akin at lulumpohin kita!"

17. Si MAM ang nagturo sa akin kung anong ibig sabihin ng GENETICS.
"Nagmana ka nga talaga sa SIR mong walanghiya."

18 Kay MAM din ako natuto ng WISDOM.
"Pag umabot ka na ng RANK ko, saka mo pa lang maiintindihan ang lahat."

19. At ang paborito ko sa lahat na natutunan ko kay MAM at SIR ay kung ano ang JUSTICE.
"Isang araw magkakaroon ka rin ng COCC, panalangin namin na sana'y matulad sila sa yo... hali#%$^t!"





1