|
Awan Ti Phone
Sa wakas mapapalitan na din ang N3530 ko. On its way na kasi ang dating cellphone ni mama na N6600 mula sa Tate. Ngunit hindi N6600 ang mapupunta sa 'kin kundi ang lumang N7650 ni kuya. Pero oks lang. Kahit lumang model at least may camera na cellphone ko! Hek-hek-hek.
Tapos? Pag may camera na, ano na? Edi may camera! Tapos nga?
Hahaha! Pilit ko mang gustong ikatuwang may camera na ang phone ko, di ko pa din magawa. Ano nga naman pag may camera ang phone? Yayaman ba ko? Tatalino ba ko? Baka naman bumait ako? Ah alam ko na, bibigyan siguro ako ng Globe ng discount sa load.
Kaya ang balak ko ay ibenta na lang ang N7650 pati na din ang N3530. 'Yung pera ipambibili ko na lang ng cellphone na mas maganda sa kanilang dalawa! Hahaha! Samsung naman.
Addendum: Pero kung maaawa siya, baka mapunta sa 'kin yung N6600 at di ko na kailangan pang mag-Samsung. Hihi.
Rare Star Wars Picture

Bakit ka'mo? Nandiyan kasi ang complete cast ng Star Wars from Episode I - VI ('yung mga lead roles). Kaso wala na si Alec Guiness (dating Obi Wan-Kenobi) dahil yumao na siya. Nag-post ako niyan dahil malapit na ang huling Episode na kukumpleto sa Star Wars saga (Revenge of the Sith). Bilang isang Star Wars fanatic, pinost ko siya as a tribute.
Salamat sa isang poster sa PEX for the picture.
...ang favorite character ko pala ay si Darth Vader. *mimics his deep mechanical breathing*
Masagot Mo Kaya?
Dating nangangalikot ako ng mga files (no'ng luma pa ang OS namin) sa folder ni kuya, nang hindi niya nalalaman, nakakita ako ng isang article. Aktwaly, hindi iyon article kundi questionnaire. Di ko na maalala pero it goes something like this:
o Give the names of 10 Best Director Oscar Winners.
o Give the names of 10 Nobel Prize Winners.
o Give the names of 10 NBA MVPs.
o Etc...
Kung ito ang ipapa-enumerate sa'min sa school, siguradong bokya ako. Wala pa yata sa kalahati ng 0 ang mga kilala ko diyan.
Pero hindi pa tapos ang questionnaire. Ang susunod na mga hinihingi ay:
o Give 10 names of people who helped you in your assignment/work.
o Give 10 names of people who inspired you for the last years.
o Give 10 names of people who made you happy this day.
o Etc...
Ah, eto, kung puro ganito ang tanong sa exams, valedictorian na siguro lahat ng estudyante. Bahala ka nang mag-isip kung ano ang ibig no'n ipahiwatig.
|
 |
S-A-L-A-M-A-T!
Ehuhm. Lingid sa iyong kaalaman (o maaaring may inside info ka), exactly 364 days, 23 hours, 59 minutes and 59 seconds ago ang oras na naging parte ng cyberworld ang ME dot INSIDE. In short, HAPPY 1ST BIRTHDAY!
 |
|
ME dot INSIDE ang naging outlet ng mga saloobin kong pakiramdam ko'y walang makakaintindi sa totoong buhay. Dito ko natuklasang masarap palang mag-kwento, na di na kailangang buksan pa ang bibig...
...at di na kailangan pa ng physical contact, sa mga taong hindi ko naman kilala sa totoong buhay.
|
Kaya siyempre, wala itong kwenta kung walang bumibisita at nakiki-relate sa mga wirdo kong pinagsusulat (pinag-t-type). Sa mga sumusunod na tao (kung tao ka man), nagpapasalamat ako:
Ayu - Unang nag-comment sa unang entry kong may comment script. Naging mabuti at nakakaaliw na blogmate (self-coined term). Anime otaku.
Edgy - Na-appreciate ko ang pagtawag niya sa aking makulet (note: makulet at di makulit). A compliment for an introvert like me. Matalino (taga-UP eh).
Ayel - Ang idolo ko pagdating sa paggawa ng layout. Bisita kayo sa site niya, you'll know what I mean. Magandang nilalang.
Aya - Ang mga pagdalaw niya dito at pag-comment ay well appreciated. Female gamer.
Resty - Di na siya nagpaparamdam sa blog niya. Di na din siya nagpaparamdam dito. Still, kahit pa'no naging blogmates kami niyan. Manunulat.
Laarni - Di na din active ang blog nito. Pero eversince, isa na siya sa mga naka-inspire sa akin para gumawa ng website, 2001 pa yata. Hanson fan.
Erika - Kahit di na siya napapadpad dito, di ko malilimutan ang sulat niya dati para sa akin. Appreciative.
Jen - Aha. Nagkakasundo kami nito pagdating sa LOTR. Obviously, LOTR fanatic... uhmm, Orlando Bloom fanatic pala.
Teejz - Kahit minsan na lang siya madayo dito, di siya nakakalimot bumati. Friendly blogger.
Lance - Di siya magaling managalog pero naiintindihan niya ang mga pinagsusulat ko dito. Mahilig siyang mag-encourage. Laking Amerika.
Zech - Pumupunta ako sa site nito to learn new vocabulary words. Pramis. Hehe. Magaling magsulat.
Ver - Nag-inform sa akin tungkol sa RSS feeds. Informative din ang blog niya. Sensible na tao.
Michael - Uhm. Gustong-gusto ko siya magsulat. Ang mga opinyon niya ay kakaiba. Bumisita daw siya dati dito. ROT PEXer.
Lws - (codename) Marami 'tong naitulong sa akin. Sa kanya ko nadiskubre ang Firefox at Shoutmix (atbp). Makulet.
Mary - Pag bumibisita siya dito, laging nangangamusta. Mahilig sa debate.
Mae - Siya ay nakakatuwa din. Parang bata mag-isip at magsulat. Cat-lover.
At kela...
...aikzka,
bom,
gyll,
marla,
marzy,
nheis,
paul,
deyey,
romel,
chesca,
mitch,
carol,
brew,
kath,
kimchi,
bianca,
caitlin,
tristan,
joan,
masaya,
mara,
mike,
chert,
calculus,
ace,
rize,
lantis,
jan at sa'yo na bumisita kahit man lang once dito...
...sa mga dumaan, napadpad, nag-tag, nag-link, nag-comment, na-wrong click, na-curious, nawala, nagoyo at nagbasa nitong blog...
...sama ko na din ang scriptwriter, producer at director...
MARAMING MARAMING VERY MUCH MANY PO!
Tenkyu.
Sa uulitin.
(at pasensya na sa pagfi-feeling close ko)
(Edited out)
|
 |
Bakit Wala Akong Picture?
Nu'ng isang araw lang, naka-chat ko si Ver (isa ding blogger) at natanong niya kung bakit laging blurred ang mga pictures ko dito sa site. Onga naman, bakit nga ba?
Ang dahilan: Misteryo.
Misteryo talaga. Ibig kong sabihin misteryo ang dahilan hindi dahil sa misteryo (secret) ang rason kung bakit. Gets?
Ayoko kasing nagpapakita ng picture para may sense of wonder. Gusto ko kasing ma-curious talaga ang mga tao (as if ang daming bumibisita sa site ko) kung ano ba talaga ang itsura ko talaga. Ako ba'y maganda, cute o pretty? Matangkad o tall?
Noong nahumaling ako dati sa chat, naiirita ako sa mga gustong makita ang itsura ko. BAKIT BA? MUKHA KO LANG BA ANG HABOL NIYO? Meron ako dito full body!
Isa pa, hindi ako photogenic. Iba talaga ang itsura ko sa picture, parang di ako (pero ako talaga 'yon). Pero di bale ng pangit sa picture, basta wag lang pangit sa personal (haha lusot).
'Yan lang naman ang aking rationale sa hindi paglalagay ng malinaw na picture. Wala ng magtatanong.
Gadget Freak
Kapag may nagtatanong kung ano ipapa-regalo ko (bday, x-mas, mataas na grade), ang lagi kong sinasabi, gadget. Sabi nila ang tanda ko na daw, gadgets pa din ang gusto ko. Tsaka hindi naman daw ako lalaki para mahilig sa mga gano'n. Ang normal daw na dapat kong kinahihiligan ay mga mga kakikayan, pwede ding gardening, baking o embroidery, pero gadgets?!
Ibahin kasi nila ako. Kung tutuusin hindi ako ang average teenage girl na makikita mo sa kung saan-saan. Una, wala ako sa kung saan-saan, nasa bahay lang ako. Pangalawa, iba ang trip ko sa buhay. Isa akong sci-fi buff. Panatiko ako ng siyensya at teknolohiya. (Woo, what was that?!)
Kaya alam na ng nanay ko kung ano ang ibibili niya sa akin sa tuwing magreregalo siya. Gadgets.
Nabigyan n'ya na ako ng portable mini-TV, 2 inches PDA, digicam (na 5 in 1), gaming consoles, etch & sketch, handheld na nasa bala ang screen, walkman na game & watch, ballpen na radio, walkie talkies, magic penz... and the list goes on.
Di man sila high-end, gadgets pa din sila. Kahit bahay-bahayan pa 'yan, basta kelangan may pinipindot. Alam na kasi ni naynay (tawag ko sa ina ko) na hilig ko na ang gadgets eversince nagka-utak ako. Ewan ko kung sa'n ko 'to napulot. Siguro kela kuya.
Ang unang bagay na may robot-like capability na nakita ko ay ang obstacle-sensing mini-car nila kuya (actually imbento ko lang ang pangalan na 'yan dahil di ko na maalala ang tawag sa kanya). Ito ay parang matchbox na pinapaadar at mag-iiba ng direksyon kapag may harang.
Simula no'n kinamuhian ko na ang Barbie.
 |
|
Kaya ang next target kong ipabili ay isang robot. Si Aibo. Sana. Kaso $1500 siya. Sa'yo na lang. Ang alternative, si Robosapien. $80+ lang. Developed by a NASA scientist (na tumulong sa paggawa ng Mars Rover). Gumagamit ito ng biomorphic technology (kunyari alam ko kung ano 'yon).
Isa siyang robot na walang AI, di tulad ni Aibo. Pero wala din naman siyang mahal na tagprice, tulad ng kay Aibo.
|
Anyway, gusto ko lang matikman ang pakiramdam na mag-control ng isang robot. 'Yung totoong robot.
Dahil din dito ako ay nagbabalak na mag-aral ng robotics. Kahit yung basic lang. Saka ko na pag-aaralan yung advanced skills kapag pinaubaya ng tadhana. Pag may nakita kayong librong nasa right, inform me. Chineck ko kasi sa NBS at Powerbooks, parehong wala.
|
|
 |
Beep-beep. Meron na ding palang upcoming Robosapien V2. Kaso December pa ang release niya. Timing na timing para sa X-mas gift. Ito naman may AI na (sort of). Ibig sabihin, pwede siyang kumilos kahit walang controller input. Nakaka-recognize din ito ng colors/skin tones (RGB) at mas maraming nagagawa (e.g. pag nakita ang amo, kakaway siya). $200.
Kung walang budget, me Robosaur ($99) at Robopet ($70). Parehong nag-rereact sa kanilang environment. At mas maaga ang release dates (August - October).
Galing di ba? Affordable na mga robots ngayon. Ito na kaya ang simula ng automaton era...?
Addendum: Magpo-post pala ako ng aking top 10 rare gadgets must-haves na di ko akalaing meron pala sa Earth - soon. At kung gusto niyo palang bumili ng Robosapien V1, may nakita daw si kuya sa isang toystore. P5450.
|
 |
Tingin Sa Buwan
Ano ang ginagawa mo kapag nakaka-miss ka ng tao?
Siguro ang karamihan, ite-text, i-e-email, tatawagan o ipapakidnap, whatever floats your sinking boat. Masyadong normal na 'yon at moderno (kidnapping, moderno?). Iba ang trip ko.
Simple lang, tumitingin ako sa buwan.
Isang gabi, na-realize ko kasing iisa lang ang nakikita nating buwan (what a monumental discovery). In short ang nakikita kong buwan ay ang buwan din na nakikita ng kaibigan ko kapag tumingin siya sa kalawakan.
Ang buwan na nagbibigay ng ilaw kapag gabi dito sa Cainta ay ang buwan na nagbibigay din ng liwanag sa Hong Kong, sa Thailand o sa Indonesia (kung saan nando'n ang mga ka-close ko (joke)).
Weird pero pakiramdam ko, ang lapit ko dun sa tao. Meron kasing connection. Parang friendster, pag friend mo ang friend ko, parang friends na tayo. Eto naman, pag nakikita mo ang nakikita ko, parang nagkakitaan na din tayo. Try mo.
Malalim Na Usapan
Kala ko noon, ako lang ang ganito mag-isip. Meron din pala akong mga kauri. Last week kasi, nagka-kwentuhan kami ng tatlo kong dormmates tungkol sa mga biggest questions in life.
Nagsimula 'to sa Kapamila Summer Station ID (tingin ko naman nakita mo na 'to). Alam mo 'yung part do'n na parang may tunog UFO (malapit sa ending)? Do'n. Ako actually 'yung unang humirit. Sabi ko, "Ano kaya 'yon? Parang may UFO...ang wirdo." (ang labo ko, nevermind)
Tapos 'yon na. Pero di na mahalaga kung papano napunta sa malalimang usapan 'yung pagpansin ko sa wirdong tunog sa bagong Station ID ng ABS-CBN. Ang mahalaga ay ang mai-post ko dito 'yung mga tanong namin at kung saka-sakali, mapagmunihan mo din:
Pano kung...
...itong reality na ito ay isang napakahabang panaginip lang pala?
...inuulit-ulit lang natin ang buhay? Kung baga ang buhay ay para lamang pelikula (na-rereplay at na-rerewind) pero di natin ito namamalayan?
...sa future ay robots na ang mag-enslave sa tao?
...labrats lang tayo para sa ibang higher entities?
...walang purpose ang buhay?
...paggising mo kinabukasan ay may binunot na apparatus sa likod mo sabay "Simulation Finished"?
...sa ibang planetang sobrang layo ay may kamukha tayo; na kung anong ginagawa natin ay ginagawa din nila?
...tayo pala 'yung mga gumagaya lang?
...may mga ibang nilalang sa kalawakan na nagmumuni-muni din kung may tao sa ibang planeta?
...sobrang liit lang pala ng universe natin (size is relative)?
...may ibang mundo sa loob ng isang atom?
...sa year 5607 tayo pinanganak?
...ma-clone na ang tao?
...sa future matuklasan na ng mga siyentipiko kung pa'no bumuhay ng patay?
...maging normal na lang ang paggamit sa teknolohiya ng cryogenics sa pag-preserve ng buhay ng tao?
...purgatoryo na pala ito?
Nakakatakot 'no? Matapos nga naming mag-usap e sinumulan na naming iikot-ikot 'yung mga daliri namin sa ilang strands ng aming hair. Nakakabaliw pala ang masyadong pagaanalisa sa buhay.
Marami pang mga tanong, pero ito ang pinakamahalagang pagtuunan ng pansin... Masasagot kaya balang araw ang mga katanungang 'yon? Whatever.
Back To The Future
Anong panahon mo gustong mabuhay? Sige nga...
Kung ako ang tatanungin, gusto ko sa future, yun bang robots na ang katulong sa bahay para walang nagrereklamo, robots na din ang mga construction workers para kahit mahulog at mahulugan ng bakal ayos lang.
Di lang pet ang artificial pati na mga halaman. Di na ito kelangang diligan, i-cha-charge na lang ito pag lowbat (lowbat siya kapag itsurang malalanta na).
Hindi na din "Hayop ka!" ang sasabihin kapag namumuhi sa isang tao kundi, "Bakal ka! Walang kasing sama ang CPU mo!"
Di pindot na ang lahat. Ang gagawin na lang ng isang tao pag-pasok ng bahay ay umupo. Imbis na ang tao ang lalapit sa tsinelas, ang tsinelas ang lalapit sa kanya.
Hindi na din dugo ang ido-donate ng karamihan kundi gas - "Salinan niyo siya ng gas! Kelangan niya ng gas! Dali!"
Nabanggit ko din noon ang panahon na ibang planeta na ang bakasyunan ng tao. Pag nagbakasyon ako sa States, para lang akong nagpunta sa SM. Venus at Mars na ang mga in na bakasyunan. Pag nakapag-gasing naman ang isang tao sa Jupiter (gasing ay ang paglangoy sa gas), mayaman.
Hindi na yo-wazup-wazup ang tatak ng isang balik-bayan. 0111-0110-1000 ang universal language na nagiging salita ng mga nagbabalik-planeta. Ang 1like001-kin01da-00yah01 naman ang example ng pagiging robyotic (di na uso ang coņotic).
Pwede na din mamili ng anak mula sa mga binebentang test tube babies. Ginawa nila 'yon sa pagmi-mix-mix ng mga genes. Pag mas gwapo/maganda at may dugong gifted, mas mahal.
Meron na ding artificial food. Yung malalasahan mo lang yung pagkain pero di ka nabubusog at tumataba.
Nyahaha!
Tignan mo nga naman ang future kung sakasakali. Baka ang buhay ng tao ay puro na lang pag-upo. "Sapat na kaya ang nagawa kong pag-upo sa mundong ito?" - baka ganyan na ang maging tanong ng mga matatanda pagdating ng araw.
Sa kagustuhan ng taong mapabilis ang takbo ng buhay, pati buhay bumibilis din. Wag naman sanang dumating ang panahong 1 week na lang ang lifespan ng tao.
Ngayon tatanungin ulit kita. Kung papipiliin ka, ano mas gusto mo, 1002-sinigang o 1234-spaghettiwmeatballs flavor?
|
 |
|
 |
"Philosophy is a game with objectives and no rules. Mathematics is a game with rules and no objectives."
- ?
 |
|
|
|
 |
|
Isa akong normal na taong
|
kumpleto naman ang parte ng katawan: tatlong mata, isang ilong, kalahating bibig, apat na tenga, walong kamay at isang paa (sobra pa nga eh). Marami akong gustong gawin sa buhay ngunit... ngunit...
 |
|
|
|
 |
RSS feed URL
|
|
|
 |
ME dot INSIDE Š 2004
was online since
March 26, 2004
All rights reserved.
 |
|
|
|
|